PPA, patuloy ang paghahanda sa inaasahang epekto ng Bagyong Paolo

Tiniyak ng Philippine Ports Authority (PPA) prayoridad nila ang agarang paghatid ng mga relief goods sa mga pantalan.

Ito’y kasabay na rin paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Paolo.

Sa kasalukuyan, maayos ang operasyon ng lahat ng pangunahing pantalan kung saan ligtas at wala ring malalaking pinsala ang mga ito matapos ang 6.9-magnitude na lindol sa Cebu.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, aktibo na ang typhoon contingency measures ng ahensya at lahat ng Port Management Offices ay inutusan na tiyakin ang kaligtasan ng mga pantalan at kagamitan.

Bukod dito, nakipag-ugnayan na rin ang PPA sa Philippine Coast Guard (PCG) para bigyan ng prayoridad ang mga kargamento ng relief goods habang nananatiling bukas ang pantalan at mabilis din ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.

Facebook Comments