PPA, pinagana na ang Emergency Response Team dahil sa Bagyong Kristine

Pinagana na ng Philippine Port Authority (PPA) ang Emergency Response Team nito para paghandaan ang paparating na Bagyong Kristine.

Ayon kay General Manager Jay Santiago, iniutos niya sa lahat ng mga Port Management Office ang lahat ng dapat gawin sa epekto ng bagyo sa mga Port Terminal.

Nakipag-ugnayan na rin ang PPA sa Philippine Coast Guard (PCG) at mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office para sa iba pang hakbang.


Hangad nila na kung maaari ay walang casualties sa paparating na kalamidad at masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

Pinapayuhan din ng PPA ang mga shipping company na agahan ang pagbibigay ng abiso sa mga pasahero kaugnay ng kanselasyon at schedule ng mga biyahe ng barko.

Umaapela rin ang PPA sa mga pasahero na nasa mga lugar na daraanan ng bagyo na huwag munang bumiyahe upang maiwasan na ma-stranded sa mga pantalan.

Facebook Comments