PPA, sinisigurong magiging maayos ang biyahe ng mga pasahero sa mga pantalan

Sinisiguro ng Philippine Ports Authority (PPA) na handa at walang problema ang mga pantalan sa buong bansa.

Ito’y sa inaasahang pagdagsa ng pasahero sa Semana Santa kung saan marami na rin ang naunang bumiyahe.

Tiniyak pa ng PPA na malinis at ligtas ang mga pantalan kung saan nakatakda naman mag-ikot at mag-inspeksyon ang Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni Sec. Vince Dizon sa Batangas Port.

Nais ng DOTr na matiyak ang maginhawa at walang aberyang mararanasan ang mga byahero at nakalatag na ang lahat ng seguridad.

Una nang inilabas ng PPA ang Special Order no. 19-2025 Oplan Biyaheng Ayos kaya’t naka-heightened alert status na ang mga pantalan.

Naka-deploy na rin ang sapat na tauhan ng PPA at Philippine Coast Guard para umalalay sa mga pasahero.

Facebook Comments