PPA, tiniyak na handa ang mga pantalan sa dagsa ng pasahero ngayong Pasko

Siniguro ng Philippine Ports Authority (PPA) na handa ang mga pantalan sa inaasahang dagsa ng mga biyahero ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, naka-activate na ang heightened readiness measures sa mga pangunahing pantalan sa bansa.

Kabilang na ang no-leave policy para sa critical personnel, dagdag na frontline staff, mas mahigpit na security screenBVing, at tuloy-tuloy na pagmo-monitor ng operasyon.

Prayoridad din aniya ng ahensya ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero, lalo na ang mga pamilyang uuwi sa probinsya, mga OFW, at mga balikbayan.

Sa ngayon, nananatiling maayos at mapayapa ang takbo ng port operations at wala pang naitatalang anumang malaking insidente.

Facebook Comments