PPA, umaapela sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang bagong sistema hinggil sa isyu ng mga container

Umaapela si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago na bigyan sana ng pagkakataon ang Trusted Operator Program-Container Registry and Monitoring System (TOP-CRMS).

Ayon kay Santiago, malaki ang benepisyo ng TOP-CRMS laban sa mataas na unregulated charges sa logistics cost tulad ng container deposit at sa mga nawawalang empty container.

Dagdag ni Santiago, kaya nila ipinakilala ang TOP-CRMS ay para sa pagiging fair at para sa mas mababang gastos.


Sa ilalim ng TOP-CRMS, tanging container deposit insurance at monitoring fee na nagkakahalaga ng P980 at P3,408 na empty container handling service fee ang dapat bayaran ng mga importer kumpara sa halos P30,000 container deposit sa nakagawiang sistema.

Aniya, two-way communication ang solusyon para maipaliwanag sa mga tumututol sa TOP-CRMS ang importansya nito lalo na sa panahon ngayon ng digitalization.

Ang TOP-CRMS ay parte ng inisyatibo ng PPA alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na ipatupad ang digitalization sa mga transaksyon ng pamahalaan para sa mas magandang serbisyo sa publiko.

Facebook Comments