Pamamaril sa sasakyan ng opisyal ng DAR, posibleng kagagawan ng grupong ayaw sa pagbabalik loob ng mga dating rebelde

Naniniwala si Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones na maaaring kagagawan ng ilang grupo na hindi sang-ayon sa programa ng pamahalaan na isali ang mga dating rebelde na nagbabalik-loob sa pamahalaan bilang mga benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program ang insidenteng pamamaril sa sasakyan ni DAR-Nueva Vizcaya Provincial Agrarian Reform Program Officer na si Dindi Tan noong Martes.

Gayunman, hinikayat ni Castriciones ang mga opisyales at mga empleyado ng DAR na huwag matakot at sa halip ay ipagpatuloy ang kani-kanilang mga gawain.

Pinayuhan ng Kalihim ang mga ito na pag-ibayuhin ang pag-iingat sa sarili.


Ani Castriciones, hindi dapat maging hadlang ang insidente upang hindi gawin ang mga trabaho na palayain ang mga magsasaka sa tanikala ng pagkaalipin sa lupa at itaas ang antas ng kanilang kabuhayan.

Dapat din aniyang maging alerto sa lahat ng pagkakataon ang mga opisyal ng DAR upang hindi maulit ang pangyayari.

Facebook Comments