PPCRV, hindi manghihimasok sa bangayan ng magkapatid na binay paggamit ng simbahan sa Pre-Election Forum, idinepensa

Hindi makikialam ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa personal na isyu ng magkapatid na incumbent Makati Mayor Abby Binay at dating Makati Mayor Junjun Binay.

Kasunod ito ng nangyaring bangayan sa dalawa sa candidates’ forum na inorganisa ng PPCRV sa San Ildefonso Parish nitong weekend.

Sa interview ng RMN Manila iginiit ni PPCRV Media Director Agnes Gervacio na isang non-partisan ang kanilang organisasyon at kung ano man ang personal na isyu ng magkapatid na Binay ay labas na sila rito.


Sinunod lang din aniya ng PPCRV ang mandato nito na voters’ education para ipakilala ang mga kandidato sa mga botante.

Kasabay nito, dumepensa rin ang PPCRV sa paggamit ng simbahan bilang venue ng forum.

Nauna nang sinabi ng PPCRV na bago magsimula ang forum, bini-brief na nila ang mga kandidato na bawal magbanatan sa halip ay ipakilala nang maayos ang kanilang mga plataporma.

Facebook Comments