PPCRV, nagsimula na sa paghahanda isang taon bago ang presidential elections

48

Isang taon bago ang 2022 presidential elections ay nagsimula na sa paghahanda ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Sa isang pahayag, sinabi ng PPCRV na hinihikayat nila ang iba’t ibang diocese sa buong bansa na mag-alay ng “special intention mass” ngayong araw.


Layon anila nito na magkaroon ng malinis, maayos, mapayapa at makabuluhang halalan sa susunod na taon.

Bukod dito, magsisilbi rin itong paalala sa mga Pilipino na gamitin ang kanilang karapatan sa pagpili ng susunod na magiging lider ng bansa.

Facebook Comments