Nakitaan lang ng minor discrepancies ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang election returns (ER) sa isinasagawa nilang manual encoding.
Ayon kay PPCRV board member Dr. Arwin Serrano, wala naman itong pagkakaiba sa resulta ng halalan.
Sa halip, pagkakamali lang ito sa pag-encode ng mga numerong mula sa natatangap na mga ER.
Kabilang rito aniya ang maling pagbasa o pagtingin sa halos magkakamukhang numero.
Pagtitiyak naman ni Serrano, hindi ito nakakalusot sa PPCRV dahil dumadaan ito sa dalawa hanggang tatlong proseso ng validation.
Facebook Comments