Nangangailangan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng mga magsisilbing volunteers para sa tapat na pagdaraos ng Halalan 2025 sa May 12.
Sa panayam kay PPCRV National Coordinator, Dr. Arwin Serrano, aminado sila na bumaba na umano ang bilang ng kanilang volunteers dahil ang ilan sa mga ito ay kinukuha nang maging watchers ng mga kandidato.
Sa kasalukuyan, tinatayang aabot na sa 300,000 ang mga volunteers malayo pa sa target nilang 500,000, ngunit inaasahan naman nila na papalo pa rin sila ng 350,000 ngayong taon sa buong bansa.
Ang PPCRV ay ang official citizen arm ng Commission on Elections o ang katuwang nila upang maisulong ang tapat at malinis na halalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments