PPCRV, NANINDIGAN SA PAKIKIPAGLABAN SA VOTE-BUYING SA PANGASINAN

Mariing tinututulan ng pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang insidente ng vote-buying na umano’y nagaganap sa lalawigan.

Ayon kay PPCRV Luzon Coordinator Trustee na si Janice Hebron, kultura na umano ang vote-buying sa tuwing sumasapit ang eleksyon.

Aniya, marami na rin umanong natatanggap na mga reklamo o reports kaugnay sa nasabing insidente na agad namang isinasangguni sa Commission on Elections (COMELEC).

Dahil dito, hinimok ang bawat volunteers na maging mas mapagmatyag dahil talamak ito ngayon at.
Samantala, nasa mahigit pitong libong PPCRV Volunteers ang magsisilbi at magiging katuwang ngayong halalan sa buong lalawigan ng Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments