PPCRV, PATULOY ANG PANAWAGAN NG KARAGDAGANG VOLUNTEERS SA DAGUPAN CITY

Patuloy na naghahanap ng karagdagang volunteers sa Dagupan City ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV para sa nalalapit na halalan ngayong Mayo.

Sa anunsyo ng pamunuan ng St. John the Evangelist Cathedral, magsisilbing mga poll watchers at voters assistance desk mga nais mag volunteer.

Tanging mga edad 18 pataas ang maaaring maging volunteer mula sa mga barangay na sakop ng parokya at hindi kasapi sa sinumang kandidato o partido.

Sa naunang ulat ng IFM News Dagupan, inilahad ni PPCRV National Coordinator Dr. Arwin Serrano ang pagbaba ng mga volunteers dahil madalas ay kinukuha na silang maging watchers ng mga kandidato.

Patuloy na umaasa ang PPCRV na tataas pa ang bilang ng volunteers upang maisulong ang tapat at malinis na halalan ngayong taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments