Nagsalita na rin ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at pinabulaanan nito na pinatigil ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang quick count.
Ayon kay PPCRV Chairperson Myla Villanueva, wala ring nangyaring kaguluhan sa PPCRV Command Center kagabi.
Pinag-iingat din ng PPCRV ang publiko sa mga kumakalat na maling impormasyon sa social media.
Kinumpirma rin ng PPCRV na bukas nila gagawin ang pagsusuri at pagkukumpara ng election returns at ng automated results.
Una nang pinasalamatan ng COMELEC ang PPCRV, National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL), Legal Network for Truthful Elections (LENTE) at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas sa malaking tulong nito sa quick count.
Facebook Comments