MANILA – Kinumpirma ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting na halos 99 percent na ang natransmit na boto sa mga lugar na balwarte ni Sen. Bongbong Marcos.Kasunod na rin ito ng akusasyon ng kampo ni Marcos na may dagdag-bawas sa nakuha nitong boto dahil sa umanoy pagpapalit o binago ang hash code sa datos na nakukuha mula sa mga Vote Counting Machines.Sa interview ng RMN kay PPCRV Command Center Operations Head Ana De Villa-Singson, sinabi nito na pumasok na at nabilang na lahat ang mga boto sa Region – 1 at 8, partikular sa Ilocos at Leyte na sinasabing malakas si Marcos.Ayon kay Singson, naglaan sila ng pwesto para sa mga political groups at observers at kasama rito ang kampo ni Marcos para makita ang actual na bilangan nang wala silang pagdudahan.Batay sa datos ng PPCRV na nakakabit sa transparency server ng Commission on Election, nasa 95 percent na ng mga boto ang natransmit sa bansa, maliban na lamang sa Mimaropa at sa Overseas Absentee Voting.Kasabay nito, sinabi ni Singson na nakahanda ang PPCRV na itigil ang kanilang unofficial counting ng mga balota, pero ito ay kung ipag-uutos sa kanila ng Comelec na may pangunahing hurisdiksyon sa mga usaping may kinalaman sa halalan.Giit ni Singson, higit na mahalaga ang kapakanan ng nakabantay na mga mamamayan kaysa sa gustong mangyari ng mga politiko.
Ppcrv, Pumalag Sa Akusasyong Ng Kampo Ni Sen. Bongbong Marcos Na May Dalayan, Boto Ng Senador Sa Kanyang Balwarte, Natra
Facebook Comments