Philippine Embassy sa Russia, nag-a-update ng record ng mga Pinoy doon matapos ang pagtama ng malakas na lindol

Nagsasagawa ng pag-update ng impormasyon ng mga Pilipino sa Russia, at mga karatig na bansa na Armenia, Belarus, at Kazakhstan ang Pilippine Embassy sa Russia.

Kasunod ito ng nangyaring malakas na lindol.

Ayon sa embahada, mahalaga ang pag-update ng impormasyon ng Filipino community para mas mabilis nilang maipararating ang mga mahahalagang abiso at pagtulong sa panahon ng emergency.

Bahagi rin anila nito ng serbisyo sa mga Pilipino para mapangalagaan ang kanilang karapatan at kapakanan.

Tiniyak naman ng Philippine Embassy na lahat ng makakalap nilang impormasyon ay mananatiling confidential at gagamitin lamang ito para sa opisyal na ugnayan ng embahada sa mga Pilipino sa rehiyon.

Facebook Comments