PNP highway patrol group, inatasan nang pangunahan ang pagbibigay ng seguridad sa mga cargo vehicles dahil sa pagkakaantala na ng biyahe

Dahil nagiging problema na ngayon ang pagkakaantala ng biyahe ng mga cargo vehicles dahil sa istriktong pagpapatupad ng home quarantine rules.

Inutusan na ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa ang PNP Highway Patrol Group na pangunahan ang pagbibigay ng seguridad sa mga cargo vehicles na nagde-deliver ng mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailan sa mga pangunahing kalsada sa Luzon.

Ayon kay Gamboa, si Joint Task Force COVID Shield Commander, Lt. General Guillermo Eleazar ang magdedesisyon kung saan idedeploy ang mga HPG personnels.


Inatasan na aniya ang HPG na maglagay ng Dedicated Control Points or DCPs sa mga provincial boundaries at iba pang strategic areas kung saan malimit dumadaan ang mga cargo vehicles.

Tutulong naman sa HPA sa pagmamando sa mga DCPs ang mga local police units.

Paglilinaw ni Gambao ang mga Cargo vehicles ay dapat i flagged down lamang ng mga PNP HPG sa mga dedicated Control Points at hindi sa mga Quarantine checkpoints.

Facebook Comments