PPOC Maguindanao isinagawa sa Kampilan Division

Pinangunahan ni 6th ID Commanding General Major General Arnel Dela Vega kasama sina Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu at PNP Maguindanao Director PSSupt Agustin Tello ang isinagawang Provincial Peace and Order Council Meeting sa Kampilan Division ngayong araw.

Kabilang sa mga napag -usapan ay ang patuloy na pagpapalakas ng kampanya kontra terorismo, illegal drugs, 4 Ps concerns at ang patuloy na ugnayan ng 6th ID sa bawat local government unit ng lalawigan.

Lumahok sa PPOC ang karamihan sa mga Local Chief Executives ng Maguindanao, mga opisyales ng Department of Education, IPHO, mga opisyales ng military at PNP ng Maguindanao.


Nagpapatuloy pa rin sa paghikayat sa publiko si 6th ID Commanding General Dela Vega na makiisa sa isinusulong na adbokasiya ng gobyerno.

Facebook Comments