PR02, Magkakaroon ng Bagong Helicopter!

Cauayan City, Isabela- Magkakaroon na ng isang Helicopter ang Police Regional Office 02 (PRO2) sa taong 2020.

Ayon kay P/BGen.Angelito Casimiro, Regional Director ng PRO2, sa sampung bibilhin na helicopter ng national headquarters ay isa ang nakatakdang mapunta sa PR02.

Tiniyak nito na gagamitin sa tama ng kanyang kapulisan ang nasabing helicopter para sa kanilang operasyon kontra kriminalidad, logistic support at iba pang pangangailangan sa panghimpapawid na operasyon lalo na sa mga inaasahang sakuna o kalamidad.


Kaugnay nito, inaayos na ang landing pads at pasilidad na pwedeng gawing parking area nito sa tanggapang pangrehiyon ng kapulisan.

Maliban sa sampung helicopter ay mayroon din mga bus, motorboat at iba pa na makabagong kagamitan ng kapulisan.

Maliban sa naturang proyekto ay mayroon din medical outreach program sa kanilang hanay upang masiguro na malusog ang kanilang pangangatawan habang ginagampanan ang kanilang trabaho.

Samantala, nakatakda rin simulan sa susunod na taon ang tanggapan ng Cagayan at Nueva Vizcaya Provincial Police Office (PPO).

Facebook Comments