PRA, nilinaw na walang dredging operations sa Rosario, Cavite

Walang seabed quarry operations ang Philippine Reclamation Authority (PRA) sa Rosario, Cavite.

Ito ang nilinaw ni Assistant General Manager Joseph Literal ng PRA makaraang lumabas ang maling balitang may dredging operations ang nasabing ahensya, kung saan may fisherfolk community sa nasabing lugar.

Sa isang panayam, sinabi ni Asst. General Manager Joseph, literal na sa loob ng humigit-kumulang daan-daang libong ektaryang lupa sa Cavite na pinahihintulutan ng pamahalaan ang dredging, tanging siyam na libong ektarya lamang ang sakop ng PRA, at hindi kabilang dito ang bayan ng Rosario.


Iba umanong kompanya ang binigyan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Environmental Management Bureau at Mines and Geosciences Board ng “government seabed quarry permit” para magsagawa ng dredging sa municipal waters ng Rosario sa Cavite.

Tanging sakop ng PRA ang mga bayan ng Tanza, Naic, Ternate at Maragondon sa Cavite.

Facebook Comments