Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang responsableng pagkonsumo ng kuryente sa mga tanggapan nito sa pamamagitan ng isang pulong hinggil sa energy conservation measures at recalibration strategies na ginanap noong Enero 6, 2026.
Dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan upang talakayin ang kasalukuyang antas ng konsumo ng kuryente sa mga opisina, mga suliraning kinakaharap sa pagpapatupad ng mga hakbang sa pagtitipid at gumawa ng paraan upang mabawasan ang paggamit ng kuryente.
Layunin ng naturang hakbang na mapalakas ang disiplina sa paggamit ng enerhiya sa loob ng mga tanggapan ng pamahalaan at maisulong ang mas episyente at responsable na operasyon ng lokal na pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










