Prangkisa ng ABS-CBN, posibleng harangin ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi lalagdaan ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN na mapapaso ngayong taon na ito.

Ayon kay Pangulong Duterte, maaari niyang silipin ang prangkisa ng nasabing network kung magpapatuloy ito sa kanilang ginagawang pagbabalita.

Nakadidismaya din aniya ang pagtanggap ng pera ng Network para sa kanyang campaign advertisements pero hindi naman inilabas ang kanyang mga ads noong panahon ng kampanya.


Bukod naman sa ABS-CBN ay bumanat ding muli si Pangulong Duterte sa New York Times at sa Inquirer.

Ayon sa Pangulo, nagpapanggap na crusader ang Inquirer pero bilyong piso naman aniya ang Tax liabilities ng mga mayari nito na pamilya Prieto.
DZXL558

Facebook Comments