Prangkisa ng dalawang broadcast companies, pinirmahan ni Pangulong Duterte

3779

Binigyan ng panibagong 25 taon para makapag-operate ang dalawang broadcast companies matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang prangkisa.


Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act No. 11481 na nagbibigay sa First United Broadcasting Corporation (FUBC) o mas kilala bilang Global Satellite Technology Services Inc. ng karagdagang 25 taon para magpatuloy ang kanilang operasyon.

Bukod dito, inaprubahan ng Pangulo ang Republic Act No. 11482 o ang 25-year franchise ng Broadcast Enterprises and Affiliated Media Inc.

Ang dalawang batas ay pinirmahan ng Pangulo nitong July 30, 2020.

Ang mga nasabing prangkisa ay magiging epektibo 15-araw matapos itong mailathala sa Official Gazette o iba pang pahayagan.

Facebook Comments