Prangkisa ng ikatlong telco, pirma na lamang ni Pangulong Duterte ang hinihintay

Iniakyat na ng Kongreso sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na layong bigyan ng 25-year franchise ang Dito Telecommunity.

In-adopt ng Kamara ang amendments ng Senado sa House Bill No. 7332, na una nang inaprubahan ng upper chamber sa ikatlo at huling pagbasa.

Ibig sabihin, hindi na kailangang mag-convene ang Kongreso para sa bicameral conference committee.


Nai-transmit na ang panukalang batas sa Malacañang para ito ay pirmahan ng Pangulo.

Ang Dito o dating Mindanao Islamic Telephone Company (Mislatel) ay napili bilang ikatlong major telecommunications player sa bansa para basagin ang pagmomonopolya ng Smart Communications at Globe Telecom at paghusayin ang serbisyo ng komunikasyon at internet sa bansa.

Ang kasalukuyang franchise nito ay ipinagkaloob noong 1998 at mapapaso na sa Abril 2023.

Facebook Comments