Prangkisa ng isang bus company na nag-ooperate ng ilegal na bus terminal, pinare-revoke ng DOTr

Pinare-revoke ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Lopez ang prangkisa ng isang bus company na nag-ooperate umano ng ilegal na bus terminal sa Pasay City.

Ito’y matapos maabutan ng opisyal sa kaniyang sorpresang inspeksyon ang ilang bus sa terminal na una nang ipinasara ni dating DOTr Secretary at ngayo’y Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon.

Ayon kay Lopez, paiisyuhan niya muna ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa operator upang mahingi ang kanilang panig at paliwanag.

Kung makitaan aniya ng sapat na batayan, babawiin na ang prangkisa nito at mahaharap din sa P5-libong multa kada paglabag.

Facebook Comments