Prangkisa ng Manila Water, pinababawi ng isang consumers group

Umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isang consumers group na bawiin ang prangkisa ng Manila Water sa harap ng nararanasang krisis sa tubig sa ibat-ibang lugar na kanilang siniserbisyuhan sa Metro Manila.

 

Ayon kay United Filipino Consumers and Commuters President RJ Javella, panay ang pagkaltas ng Manila water sa water bills para sa iba’t-ibat proyekto.

 

Sa kabila aniya na umabot na sa  bilyon bilyong pisong ang nakokolekta, humantong pa rin ngayon ang sitwasyon  sa isang water crisis.


 

Binigyan diin ni Javellana na panahon na para isapubliko ng Manila Water ang malinaw na kwenta ng halaga ng mahal na tubig na isinusupply ng  Manila Water.

 

Hinahanap ngayon ni Javellana kung nasaan na ang wawa dam at laiban dam projects na una nang siningil sa bulsa ng mga water consumers mula pa 2002 pero wala pa ring linaw kung nasaan na ang proyekto.

 

Giit ni Javellana, hindi dapat na ikatwiran ng manila water na ang dahilan ng krisis sa tubig ay epekto ng mild El niño dahil hindi ito nakita sa maynilad.

 

Una nang inamin kahapon ni Manila Water COO Ding Carpio na hindi mararamdaman ng publiko ang normal na suplay ng tubig sa buong panahon ng summer season.

Facebook Comments