Prangkisa ng Maynilad, Manila Water, lusot sa ikalawang pagbasa ng Senado

Inaprubahan ng Senado sa ikalawang pagbasa ang mga panukalang batas na layong mabigyan ng 25 taong prangkisa ang Maynilad Water Services at ang Manila Water Company.

Sa ilalim nito, magpapatuloy ang Maynilad sa pagseserbisyo sa West Zone Service area ng Metro Manila at Cavite habang seserbisyuhan ng Manila Water ang east zone ng Metro Manila at ng lalawigan ng Rizal.

Si Senator Grace Poe na chairman ng Senate Committee on Public Services ang nagdepensa ng mga panukalang batas.


Una nang sinabi ni Poe na sa pagbibigay ng prangkisa, mas magiging mabuti ang daloy ng tubig sa kanilang mga customer.

Kapag lumabag sila sa mga kundisyon ng prangkisa, maari silang pagmultahin o kaya ay tanggalan ng prangkisa.

Facebook Comments