Prangkisa ng Meralco, pinarerepaso ng isang kongresista

Pinarerepaso ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco).

Sa gitna ito ng patuloy na pagtaas sa singil sa kuryente sa bansa.

Ayon kay Marcoleta, dapat nang suriin at repasuhin ng Kongreso ang prangkisa ng Meralco kahit sa 2028 ito mapapaso.


Batay pa sa Section 4 ng prangkisa ng power distributor, dapat mag-supply ang Meralco ng kuryente sa pinakamurang halaga at magpatupad ng resonableng taas presyo sa lahat ng uri ng customers nito.

Binigyang-diin kongresista na halos P23 billion bawat taon ang net income o malinis na kita ng Meralco kaya hindi nito iindahin ang pag-aalis sa ‘system loss’

Bukod dito ay pinaaalis din ni Marcoleta ang pagbabayad ng local franchise tax sa bill sa kuryente dahil aniya hindi ito dapat ipasan sa mga consumer.

Sa ngayon, hiniling ni Marcoleta sa Commission on Audit (COA) ang pag-audit sa Meralco na tila iba sa energy generation supply purchases tulad ng iniulat sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Facebook Comments