Prangkisa ng mga operator na hindi susunod sa PUV Modernization, babawiin

Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) na babawiin ang prangkisa ng mga operator na tatangging sumunod sa PUV Modernization Program hanggang 2020.

Ayon kay Transportation Usec. Mark De Leon, dapat sumunod ang mga ito sa deadline kundi pasensyahan na lamang.

Nire-require na rin ang mga operator na may parehas na ruta ng operasyon na magkaroon ng consolidated franchise para maialis ang kultura ng kompetisyon sa transport service.


Sa ilalim ng PUV Modernization Program, hindi na pwedeng pumasada ang mga lumang jeep at papalitan ang mga ito ng Euro-4 compliant vehicles na nagkakahalaga ng isa hanggang higit dalawang milyong piso.

Pagkakalooban din ang mga tsuper at operator ng 80,000 pesos na subsidy mula sa gobyerno.

Facebook Comments