Prangkisa ng NGCP, panahon na para i-review ng kongreso ayon kay Sen. Imee Marcos

Iginiit ni Senator Imee Marcos na panahon na para i-review ng Kongreso ang prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) matapos ang malawakang blackout sa Panay Island.

Binigyang-diin ni Sen. Marcos na kailangang tingnan ng gobyerno ang ibang paraan para magawang maipatupad ng NGCP ang Transmission Development Plan (TDP) na matagal na ring nabinbin.

Kabilang dito ang delay sa pagtatayo ng Cebu-Negros-Panay Backbone Project at Visayas-Mindanao Interconnection Project na nakatulong sana sa problema sa kuryente sa Panay.


Kinakailangan na aniyang masilip ng gobyerno ang iba pang pamamaraan para mapanagot, mapagmulta, masuspindi o mabawi ang prangkisa ng NGCP.

Dagdag pa ni Sen. Marcos, bagama’t sinasabi ng NGCP na hindi nila saklaw ang generation o paglikha ng kuryente, malinaw sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) at sa iba pang franchise agreement na ang pangangasiwa ng grid ay pangunahing tungkulin ng NGCP.

Facebook Comments