Prangkisa ng NGCP, pinapasilip sa Kamara

 

Pinaiimbestigahan na rin ni House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos ang nangyaring iginiit ni Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos sa Kongreso na i-review ang prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Ang hirit ni Marcos ay nakapaloob sa inihain niyang House Resolution Number 1534 na nagpapa-imbestiga sa nangyaring malawakang power outage sa Panay Island at ilang probinsya sa Western Visayas noong nakaraang linggo.

Sabi ni Marcos, kasama sa dapat pag-aralan ay ang posibilidad na ihiwalay at ilipat na ang systems operation function mula sa NGCP patungo sa ibang entity na kaya itong isakatuparan.


Umaasa si Marcos na sa gagawing pagdinig ay matitiyak ang napapanahong expansion ng transmission system na tumutugon sa pangangailangan ng publiko at para sa epektibong operasyon.

Facebook Comments