Prangkisa ng NGCP, sisilipin ng Kamara

Nagpasya ang House Committee on Legislative Franchises na pinamumunuan ni Parañaque City Rep. Gus Tambunting na imbestigahan ang congressional franchise ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Isinulong ito ni Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-Jay” Suarez sa harap ng mga alegasyon na may mga pagkukulang ang NGCP at hindi nakakatupad sa itinatakda ng prangkisa.

Lumitaw ito sa ginanap na briefing sa komite kaugnay sa kahandaan ng power utilities sa inaasahang epekto sa bansa ng La Niña phenomenon.


Sabi ni Suarez, ang gagawing imbestigasyon ng Komite ay tutuon sa pagtupad ng NGCP sa franchise obligations nito lalo na ang may kaugnayan sa umano’y pagkaantala ng maraming proyekto.

binanggit ni Suarez na kasama ring tutukan ng pagdinig ang umano’y hindi patas na charges ng NGCP sa mga consumer para sa mga hindi natapos na imprastraktura at higit na pagprayoridad sa shareholder dividends kumpara sa serbisyo sa publiko.

Facebook Comments