Prangkisa ng PBC, pinalawig pa ni PRRD

Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang prangkisa ng Philippine Broadcasting Corporation (PBC).

Ito ay matapos malagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11240.

Sa ilalim ng batas, extended ng hanggang 25 taon ang franchise ng media company maliban na lamang kung ito ay ni-revoke o kinansela.


Awtomatikong mare-revoke ang prangkisa ng PBC kung mabibigo itong mag-operate ng tuloy-tuloy sa loob ng dalawang taon.

Nakasaad din sa batas na kailangang mag-secure ang PBC ng mga kaukulang permit at licenses sa National Telecommunications Commission (NTC) para sa construction at operation ng kanilang mga istasyon at pasilidad.

Facebook Comments