PRANK CALLS | Hotline ng NCRPO, inulan ng panloloko

Manila, Philippines – Inulan ng panloloko ang inilunsad na hotline ng National Capital Region Police Office o NCRPO kontra mga abusadong pulis at tulak ng iligal na droga.

Ayon kay NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, sa 1,728 na messages na kanilang natanggap nasa 921 dito ang spam o prank calls.

Sa kabila nito, nakatanggap aniya ng matitinong sumbong kung saan 82 ang kanilang naakysunan.


Sa 82 na mga sumbong, nasa 21 ang nagreklamo ng mga pulis, 12 ang nagsumbong ng illegal na sugal, 34 ang nagsumbong na may kaugnayan sa ilegal na droga at 6 ang paglabag sa mga ordinansa ng lungsod.

Sabi ni Eleazar, inendorso na nila sa Kampo Krame ang reklamo laban sa 21 na mga pulis.

Kasabay nito, umapela si Eleazar sa publiko na huwag magpadala ng mga maling impormasyon o sumbong sa kanilang hotline na 0915-889-8181 at 0999-0901-8181.

Nagbabala naman ang NCRPO na hahanapin nila ang mga manloloko para maparusahan.

Facebook Comments