PRANK GONE WRONG | Prankster, pinaaresto!

Vladikavkaz, Russia – Nauwi sa seryosohan ang dapat sana ay nakakatawang prank ng isang lalaki sa Vladikavkaz, Russia.

Sa viral video, makikitang naglilibot sa isang warehouse store ang hindi pinangalanang prankster nang bigla niyang buhatin ang isang malaking sofa at pilit na itinakbo palabas ng mall.

Nagmamadali naman siyang hinabol ng isa sa mga staff ng tindahan at nang maabutan, dahan-dahan niyang ibinaba ang sofa saka sinabing isa lang “prank” ang kanyang ginawa.


Kung tinawanan ito ng mga shoppers, hindi naman natuwa ang store owner at pinaaresto sa mga pulis ang lalaki.

Agad din naman siyang pinalaya matapos mangakong hindi na uulitin ang nasabing prank.

Facebook Comments