Naglabas ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng panalangin para sa 2022 elections.
Inihanda ito ni Lingayen Archbishop Socrates Villegas at in-adopt ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).
Layon nitong hilingin na ang kalooban ng Diyos ang masusunod sa ihahalal na mga national at local officials.
Ayon kay CBCP President Archbishop Romulo Valles, ang nasabing panalangin at kahalintulad ng Oratio Imperata pero nakatuon sa 16 na values na nakasaad sa preamble ng konstitusyon.
Samantala, inirekomenda ng Episcopal Commission on Liturgy na basahin ang oratio imperata laban sa COVID-19 bago magsimula ang misa.
Facebook Comments