“Prayer for truth” – panawagan ng Diocese of Antipolo kaugnay sa pagkakaaresto kay Fr. Arnel Lagarejos sa entrapment operation kahapon

Manila, Philippines -* ‘Prayer for truth.’*

Ito ang panawagan ni Antipolo Bishop Francisco De Leon sa inilabas na official statement ng Diocese of Antipolo kasunod ng pagkakaaresto ng 55-anyos na pari sa isinagawang entrapment operation kahapon.

Pinayuhan din ng Diocese of Antipolo ang mga mamamayan na huwag na munang magkomento sa nasabing isyu lalo na’t pwedeng maging dahilan ito ng paglala ng sitwasyon.


Dagdag pa nito, nirerespeto nila ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa umano’y suspek na si Fr. Arnel Lagarejos.

Samantala, kasalukuyang humaharap sa kasong human trafficking ang nasabing pari na nahuling kasama ang isang trese anyos na dalagita papasok ng isang motel sa Marikina City.

Facebook Comments