Prayer Rally at Pagkondena sa Pagpaslang ng NPA sa SB ng Allacapan, Isinagawa!

79

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng Prayer Rally ang ibat-ibang sector ng lipunan sa pangunguna ng mga local na opisyal ng Allacapan, Cagayan kaugnay sa ginawang pagpatay ng mga kasapi ng New People’s Army o NPA kay konsehal Zaldy Mallari.

Magugunitang nitong nakalipas na ika-dalawampu’t apat ng Mayo ay pinagbabaril sa kanyang Welding Shop ang naturang konsehal hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilang suspek na umano’y miyembro ng Danilo Ben Command ng NPA.


Kasabay ng Prayer Rally na dinaluhan ng ibat-ibang sector at tropa ng 17TH Infantry Batallion ay kanilang mariing kinondena na umano’y isang uri ng kaduwagan ang ginawang pagpaslang kay SB Mallari ng mga kasapi ng Danilo Ben Command.

Binigyang diin rin ng mga nagsagawa ng Prayer Rally na maituturing umano na isang paglabag sa batas ang pagpatay sa taong walang kalaban-laban.

Ang naturang konsehal ay pinaratangan ng mga kasapi ng NPA na umano’y umaabuso sa kanyang tungkulin, nangangamkam ng lupa, sumusuporta sa mga Intelligence Operatives ng PNP at AFP at may kaugnayan din umano ito sa iligal na droga kaya’t kanila na itong tinuluyang pinatay.

Facebook Comments