Manila, Philippines – Generally peaceful ang idinaos na ‘Walk for Life’ prayer rally na inorganisa ng Simbahang Katolika kaninang madaling araw sa Quirino grandstand.
Libu-libo ang nakilahok sa prayer rally na may layong itaguyod ang kahalagahan ng buhay.
Una nang hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kaparian, relihiyoso at mga layko na makiisa sa naturang pagtitipon at maglakad para sa mga taong may problema at maging banta sa kanilang buhay.
Hindi naman pinayagan ang mga ‘political speeches’ ng mga pulitiko sa naturang event.
Ikinasa rin ang ‘Walk for Life’ sa iba pang bahagi ng bansa partikular sa Cagayan De Oro, Cebu, San Pablo at Tarlac.
Noong nakaraang taon, higit 20,000 ang dumalo sa kaparehong pagtitipon.
Facebook Comments