Prayer rally ng mga miyembro ng kapa ministry, kasado na

Sa General Santos, Kasado na ang prayer rally ng mga  miyembro ng Kapa Community Ministry International na gagawin dito sa Gensan sa darating na Hwebes at Byernes.

Itoy matapos bigyan ng City Permit and Licenses Office ng Permit ang Kapa para makapagsagawa ng prayer rally.

Sa Huebes June 13, gagawin ang prayer rally sa Gensan City Sports Complex habang sa June 14 naman gagawin sa Gensan City Oval Plaza.


Aasahang dagdagsain ng libo-libong mga miyembro ng kapa ang nasabing prayer rally.

Layunin umano nila ay para ipanawagan sa gobyerno ng bansa na wag ipasara ang kapa.

Facebook Comments