Manila, Philippines – Nagsagawa ng Prayer Walk sa tahanan ni Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro sa Merville Subdivision, Paranaque ang mga supporters ni Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno.
Layon nito na maliwanagan daw si De Castro sa quo warranto case ni Sereno.
Hiling ng grupo ang anilay katotohanan sa gagawing desisyon ni De Castro sa nasabing kaso na may layuning maideklarang iligal ang pagkakaluklok sa punong mahistrado.
Unang nagtipon-tipon ang Sereno supporters sa No. 2 Beirut Street sa nasabing subdivision sa tahanan ng isang Mercy Lewis.
Facebook Comments