PRAYORIDAD | Impeachment complaint vs CJ Sereno, unang tatalakayin sa pagbabalik ng sesyon ng Kamara sa Mayo

Manila, Philippines – Tiniyak ni House Committee of Justice Chairman Reynaldo Umali na magiging “First Order of the Day” ang impeachment complaint ni Chief Justice on Leave Maria Lourdes Sereno sa pagbabalik ng sesyon ng Kamara sa May 15.

Kasunod na rin ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilisan ang proseso ng impeachment ni Sereno.

Sa interview ng rmn manila kay Umali, boto na lang ng plenaryo sa Kamara ang kailangan upang maiakyat na sa Senate Impeachment Court ang reklamo laban sa Punong Mahistrado.


Ayon kay Umali, nasa kamay na ngayon ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang bola sa kahihinatnan ni Sereno.

Kahapon ay tahasang inihayag ni Pangulong Duterte na kaaway na ang turing niya kay Sereno dahil sa paulit-ulit na pagdawit sa kanya sa pagpapatalsik umano kay Sereno sa pwesto.

Facebook Comments