PRAYORIDAD | Kalagayan ng mga distressed Filipino sa Indonesia, inaasikaso na ng pamahalaan

Manila, Philippines – Ipaaalam ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go kay Pangulong Rodrigo Duterte ang sitwasyon ng mga distressed na mangingisdang Pinoy sa Indonesia.

Ito ay sa harap narin ng impormasyong natanggap ni Go na maliban sa 31 mangingisdang nakauwi na sa bansa sa tulong ng Philippine Consulate General (PCG) sa Manado Indonesia ay marami pang mangingisdang Pinoy doon ang may mga kasong kinakaharap tulad ng illegal entry o overstaying.

Ayon kay Go, ilan ito sa mga posibleng maisama sa mga ilalapit ni Pangulong Duterte kay Indonesian President Joko Widodo sa ASEAN Summit sa susunod na Linggo sa Singapore.


Matagal na aniya ang ilang kaso ng mga ito kaya sa ngayon ay pinagaaralan na ng kanyang tanggapan kung paano matutulungan ang mga ito at mabilis na mapauwi na sa bansa.

Facebook Comments