Dinepensahan ng Department of Health (DOH) kung bakit hindi prayoridad ng pamahalaan na ma-itest ang mga walang sintomas ng COVID-19.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 85 percent ng mga carrier ng virus ay mayroong sintomas ng sakit gaya ng lagnat, sipon at ubo.
Ito ang dahilan kaya target ng mas pinaigting na expanded targeted testing na maisailalim sa COVID-19 test ang mga symptomatic patients at mga na-expose sa mga nagpositibo sa sakit.
Iginiit naman ni DOH Secretary Francisco Duque III na posibleng magdulot ng panibagong bugso ng bilang na kaso ng COVID-19 kung isasailalim ang Metro Manila sa General Community Quarantine ng walang sapat na mass testing.
Facebook Comments