PRAYORIDAD | Pagsibak kay Secretary Teo, prerogative ng Pangulo

Manila, Philippines – Para kina Senate majority leader Tito Sotto III at Senator Panfilo Ping Lacson, prerogative ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sisibakin o hindi si Tourism Secretary Wanda Teo.

Sabi ni Sotto, palagi naman sinabi ng Pangulo ang paglaban sa korapsyon at extension niya ang mga miyembro ng kanyang gabinete.

Binigyang diin pa ni Sotto, na ang kontrobersyang kinakasangkutan ni teo ay paalala na ang pagtatrabaho sa gobyerno ay selfless leadership.


Sabi naman ni Senator Lacson, bahala si Pangulong Duterte na magpasya ukol kay Secretary Teo dahil alter ego niya ito at magre-reflect sa kanya ang anumang aksyon ng kanyang mga kalihim.

Iginiit nina opposition Senator Antonio Trillanes IV at Kiko Pangilinan na kung totoong sinibak na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Secretary Teo ay hindi na ito dapat mabigyan ng panibaong pwesto sa pamahalaan.

Punto ni Pangilinan, hindi dapat konsintihin ang korapsyon at pag-abuso sa Pamahalaan.

Isinulong din nina Trillanes at pangilinan na dapat ituloy ng senado ang imbestigasyon kahit mawala sa pwesto si Teo.

Ayon kay Trillanes, mahalagang malaman kung gaano kalalim ang aniya ay ad scam sa DOT at kung magkano talaga ang umano ay ninakaw na pondo ng gobyenro.

Facebook Comments