PRAYORIDAD | Proteksyon at kapakanan ng mga kabataan, mas patitibayin pa ng DSWD

Manila, Philippines – Mas patitibayin pa ang proteksyon at kapakanan ng mga kabataan sa pamamagitan ng binuong Comprehensive Emergency Program for Children (CEPC).

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Acting Secretary Virginia Orogo, ang programa ay inilunsad ng DSWD kasama ang ilang National Government Agencies at Civil Society Organizations alinsunod sa umiiral na batas na ‘Children’s Emergency Relief and Protection Act’.

Ang nasabing batas ay nagbibigay mandato sa national at local government agencies na magpatupad ng isang comprehensive emergency program.


Ito aniya ay magsisilbing guiding document para gawing prayuridad ang proteksyon sa mga kabataan, mga nagdadalantaong ina lalo na sa panahon ng kalamidad at emergency na sitwasyon.

Sa pamamagitan ng programa, gusto lang makatiyak ang DSWD na matiyak na wala nang kabataan ang mabibiktima ng anumang uri ng pang aabuso, harassment, pananamantala, trafficking, kapabayaan, at karahasan.

Facebook Comments