PRB-VET, NAGSAGAWA NG INSPEKSIYON AT MONITORING SA MGA VETERINARY CLINIC AT PAARALAN SA PANGASINAN AT LA UNION

Nagsagawa ng inspeksiyon at monitoring ang Professional Regulatory Board of Veterinary Medicine (PRB-VET) sa ilang veterinary clinics at Higher Education Institutions (HEIs) sa mga lalawigan ng Pangasinan at La Union noong Nobyembre 10 hanggang 11, 2026.

Layunin ng inspeksiyon na matiyak kung sumusunod ang mga pasilidad sa mga umiiral na regulasyon at pamantayang propesyonal para sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyong beterinaryo.

Bahagi rin ito ng pagsisikap na mapangalagaan ang kalusugan ng mga hayop at kaligtasan ng publiko, alinsunod sa Republic Act No. 9268 o Philippine Veterinary Medicine Act of 2004.

Sa pamamagitan ng naturang monitoring, muling pinagtibay ng PRB-VET at PRC Regional Office I ang kanilang pangako na pangalagaan ang integridad ng propesyon ng veterinary medicine, tiyakin ang pagsunod sa mga regulasyon, at itaguyod ang kahusayan sa pagsasagawa ng serbisyong beterinaryo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments