PRC, aminadong mahihirapan sa pagsagot sa swab test kung dalawang beses nang sasailalim ang ilang umuuwing Pilipino

Inamin ng Philippine Red Cross (PRC) na hindi nila kakayanin kung sasagutin ang lahat ng mga swab test kung dalawang beses nang sasailalim dito ang ilang umuuwing Pilipino.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa panukalang ‘fifth-day COVID-19 testing’ kung saan lahat ng mga pasaherong manggagaling sa 34 na mga bansang sakop ng travel restrictions laban sa bagong variant ng COVID-19, ay dapat na sumailalim sa test pagkarating ng Pilipinas.

Ayon kay PRC Biomolecular Laboratories Chief & Former DOH Sec. Dr. Paulyn Jean Rosell-Ubial, sa ngayon ay mayroon pa ring higit 600 milyong pisong utang sa kanila ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).


Papayag lang umano ang PRC na hindi maningil ng direkta sa mga Pilipino kung regular na magbabayad sa kanila ang PhilHealth.

Sa ngayon, wala pang tugon dito ang PhilHealth.

Facebook Comments