PRC at isang religious group, nagsasagawa ng bloodletting activity sa iba’t ibang lugar bansa

Sabayang isinasagawa ngayong umaga ng Philippine Red Cross at Pentecostal Missionary Church of Christ ang bloodletting activity sa 30 lugar sa bansa.

Ayon sa PRC, ang aktibidad ay may kaugnayan sa ika-50 taong anibersaryo ng religious group kasabay ng paggunita ng National Blood Donors Month ngayong Hulyo sa buong bansa.

Target ng Philippine Red Cross na makakolekta ng 3,000 – 5,000 bags ng donasyong dugo sa buong bansa.


Sa punong tanggapan ng PRC sa Mandaluyong, may 200 hanggang 300 miyembro ng Religious Sector ang magdo-donate ng dugo.

Facebook Comments