PRC at RMN Foundation, magsasagawa ng bloodletting activity sa unang araw ng Agosto

Magsasagawa ng “Dugtong Buhay 2022” o bloodletting activity ang Philippine Red Cross (PRC) at RMN Foundation sa Agosto 1, 2022, bilang bahagi ng ika-70 taong anibersaryo ng RMN Networks, Inc.

Katuwang sa nasabing programa ang RMN MMV, DZXL Radyo Trabaho, iFM Manila, at DWWW774.

Samantala, ikinalugod naman ni Red Cross Chairman at Chief Executive Officer Richard “Dick” Gordon ang muling pagtutulungan ng PRC at RMN para maisakatuparan ang naturang aktibidad.


Inanyayahan din ni Gordon ang publiko na makiisa sa pagbibigay ng dugo at mag-volunteer sa mga programa ng PRC.

Narito ang mga kwalipikasyon para sa mga nais mag donate ng dugo:
• kinakailangan nasa edad 18 hanggang 60, at kung nasa edad 16 hanggang 17 ay dapat may parent consent
• Nasa 50 kilos ang timang at may 5 oras na tulog
• Walang sipon o ubo
• Hindi uminom ng kape o alak sa loob ng 24 oras bago magpakuha ng dugo
• Walang maintenance na gamot
• Isang taon na ang nakalipas kung may tattoo, piercing, at nabakunahan ng rabbies
• 2 hanggang 3 araw na ang nakalipas kung nagpabakuna ng COVID-19

Para naman sa mga nais makakuha ng dugo sa Red Cross, tumawag lamang sa 143 o pumunta sa pinakamalapit na opisina ng PRC at dalhin ang blood request o doctor’s request.

Facebook Comments