PRC Bakuna Buses, Idineploy na sa Isabela at Cagayan

Cauayan City, Isabela- Ipinadala na ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang Bakuna Buses sa Lalawigan ng Cagayan at Isabela para tumulong sa mga Local Government Unit’s (LGU) sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga nasa A1 hanggang A3 priority groups.

Ayon sa pahayag ni PRC Chairman Se. Dick Gordon, laging nakahanda aniya ang Red Cross sa pagbibigay ng tulong at pag-asa lalo ngayong panahon ng pandemya.

Sa pamamagitan ng Bakuna buses ani Gordon, mailalapit na sa mga residente ang bakuna para magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19 lalo sa mga pinaka-vulnerable sa virus.


Magsisimula ang pagbabakuna ng PRC Bakuna buses bukas, Setyembre 6, 2021.

Bukod sa naturang programa ng PRC, magdedeploy rin ang PRC Cagayan chapter ng ‘Hot Meals on Wheels’ para mamigay ng mga ready-to-eat meals sa tinatayang 1,796 indibidwal na kinabibilangan ng mga bata, buntis, senior citizens at mga persons with disabilities na naka-home quarantine.

Facebook Comments